Miyerkules, Marso 28, 2012

[earphones]

Nung nakaraang nakaraang linggo,

Habang naglalakad ako sa may U.N. Avenue, Taft.. Meron akong bagay na sinubukang gawin na hindi ko naman kadalasang ginagawa..

Eto nga.. ang MAGLAGAY NG EARPHONE NA MAY NAKASALANG
NA NAPAKALAKAS NA TUGTUG HABANG NAGLALAKAD SA DAAN.

OO! Hindi ako sanay dito! hahaha, parang taong bundok ba?


Ewan ko ba, pero sa pagpasak lng ng earphone sa aking dalawang tainga habang naglalakad sa daan e may mga bagay akong narealize.. (yeah, realized...hehe)


Nang tatawid na ako sa 'tamang tawiran', andaming tao ang tila sinadyang sumabay sa akin.

Sulpot dito, sulpot doon..
Lakad dito, Lakad doon... 
Patungo sa iba't ibang direksyon.


At dahil 3PM na non, nagsilabasan na rin ang mga estudyante mula sa Araullo highschool.. May mga iilan ding nakaputi, foreigners na patungo sa Medical Doctors, mga tao sa Mcdonalds, mga umaandar na taxikel (tawag ni mama sa mga tribike..), mga nakapilang mga sasakyan at mga taong etc (iba pa)...


Pero dahil nga sa nakaEARPHONES ako na may masiglang tugtog... 
Hindi ko naririnig ang ingay na created by the environment.. 
When I recall un time na to, parang "I'm walking on Sunshine wo Oh".
(slmat sa Mcdo.hehe) Slow Mo ang mode nd i'm at quote and quote, PEACE..



then here comes the realizations...

Kung ikukumpara ko to sa totoong buhay, hindi ko alam kung positibo o negatibo ang pglalagay ng earphones sa kalagitnaan ng isang lugar na puro motion, sounds, at bagay bagay...

Want to illustrate it like isang taong tahimik ang buhay dahil hindi naririnig ang kanyang paligid.

PWEDE BA YON??
ang hindi mo marinig ang iyong paligid?

I DOUBT.

buti kung ikaw ay isa pang beybi.. hehe






Sino ang hindi nakakarinig ng mga 
latest issues sa paligid? 
 

Siyempre ang impeachment ni Justice (na nkaholiday break ngayon)
Naku! Ang pagtaas at pagtaas at pagtaas ng presyo ng langis na nagcause ng 0.50cents taas sa pamasahe.


ang Pagmimina na sinasabing PHILIPPINES FOR SALE!?


Ang sumisikat na Noynoying.

Ang kakaibang ginagamit daw ni PacMan kaya siya laging malakas. (tiyak ko inabangan to ng madlang tao.hehehe, aku din e)













Ang pagAmin ni Katrina Halili sa kanyang pagbubuntis. (eto lang ang latest showbiz news na alam ko e. hehehhe)




 
At MARAMI PANG IBA...........................




Sino ang hindi nakakarinig sa mga ito? Kahit siguro may earphones ako, makikita at maririnig ko pa rin ito...


Narealize ko sa ginawa kong experiment na.. CHOICE natin kung makikinig man tayo o hindi. Pwede akong MAGBINGI-BINGIHAN sa kaguluhan ng paligid kahit nakikita ko ang mga ito. Pwede akong maglakad ng matiwasay at panatilihin ang aking sariling WALANG PAKIALAM sa iba... Pwede kong magpatugtog ng malakas para lang MATAKPAN ang mga ingay na pwedeng makadistract sakin. at kung anu ano pa...

Bottom line? Marami sa atin ang may mga earphones sa tainga.
Count me in! hahaha,

 

But the GOOD NEWS is, pwede rin tayong MAKIALAM. Hindi natin kailangan magisip nang malalim, magaral ng masters, magkaroon ng degree, at magplano ng malaki para may magawa! Yes! MAY MAGAGAWA TAYO! Sa paligid lang natin, we can be Change Makers. We can contribute in our own ways... Pagbabago sa sarili.. sa ugali, sa pananalita, sa isip at kilos.. Eto ang magagawa natin. At kung makakaimpluwensiya tayo ng iba pa, well and good! 


At higit sa lahat, alisin ang earphones sa tainga! Magkaroon tayo ng pakialam sa ating mga kapwa. Panahon na.




“Unless a life is lived for others, it is not worthwhile." 
-Mother Teresa of Calcutta





Sabado, Marso 17, 2012

isang batang magbobote...


habang nakasakay ako sa jeep papunta ng muzon umc knina..may isang batang magbobote sa maybrgy Catmon akong nakita..topless at maong na tokong lang ang suot.pag tapat sa may jeep namin,nahulog ang ibang boteng nakalagay sa sako sako na bina-bike nya.Iilan din un, mga 7-10 bote ang nahulog sa baha na lagpas paa.Pinulot ang ilan at dahil sa nakakasagabal siya sa trapiko,itinabi muna ang tribike bago ipinagpatuloy ang pamumulot ng mga bote..May iilang mga bata ang tumulong sa knya sa pamumulot.at sa huli.,pinulot ang boteng nabasag sa pagkakahulog sa bahang daan.at nuo'y umarangkada na ang jeep na aking sinasakyan...

Para akong sinakluban ng baha.haha.,kidding aside...Marami akong bagay na natutunan mula sa senaryong ito.Mga bagay na aking nakaliligtaan..

Sa buhay hindi lamang ang materyal na bagay ang mahalaga..Maaaring lamang ako sa kanya ng cellphone, longsleeves, at pamasahe kanina..pero siya? kasipagan, pagsusumikap at mababang kalooban ang pinakita niya.

Kung ako namumroblema sa pmasahe ko sa tuwng aalis ako ng bahay, siya nagtatrabaho sa kanyang murang edad para kumita ng karampot na pera para sa pagkain ng kanilang pamilya.

Kung ako may maraming damit sa cabinet, papalit palit at bumibili pa ng bago para maiba naman ang kasuotang ipapakita.. siya tinitiis ang lamig na dulot ng panahon makapagkalkal lang ng mga bote para sa ikabubuhay.

Kung ako ayaw na ayaw mabasa ang paa sa baha...siya walang reklamong binabagtas ang kahabaan ng bahang daan gamit ang bisikleta pra makabenta ng mga napulot at nakalkal na mga sako ng bote.

Eto ang baha sa labas ng bahay namin nung bumisita si Bagyong Falcon.


Partida pa....ilang taon lang ang batang ito..ako,bente uno na pero mas marunong siguro siya sakin pagdating sa hamon ng totoong buhay...nakukulong ako sa buhay sa bahay, sa simbahan, sa trabaho, sa kaibigan atbp..pero hindi dun sa buhay na katulad ng sa nararanasan niya...

Hindi naman pahuhuli ang mga batang tumulong sa kanya..Pinulot ang mga boteng nahulog, inalis ang pumasok na tubig at ibinalik sa sakong nasa bisikleta..Kahit hindi nila kilala ang batang magbobote,walang pagaalinlangan silang lumusong sa baha at tumulong.Ako?walang ginawa kundi manuod at ipanalangin lamang siya.

Sa totoong buhay,katulad din kaya ako ng mga batang ito?? Ang basag na boteng kanyang pinulot...hindi inalintana kung siya ay masugatan basta maiahon niya iyon sa baha upang hndi makasugat ng iba..


Higit na kahanga-hanga itong batang ito kesa sa karamihan na walang ginawa kundi ipangalandakan ang kanilang mga pangalan at magagandang ginawa..

Hayy,hindi kailangan maghanap sa malayo. Tumingin-tingin sa paligid, marami tayong nakakaligtaan na nangangailangan ng tulong..at minsan, hindi natin alam, ang mga taong hindi natin nakakasama sa 'simbahan' ang siya pang nagtuturo sa atin ng mhahalagang aral na hindi natin natututunan sa loob.


katulad na lang ng sa batang magbobote...



(copied sa note ko sa Fb)

Unang BLOG.

Waw! nagbablog na rin ako!

Una, napabasa lang ko sa isang post ng pastor. Ang kanyang blog na patungkol sa katapusan ng isang kaibigan na nagdulot ng simula ng kanyang pagsusulat muli...

Nagsharean kami ng komento sa Facebook at sinabi niya bakit hindi ako magblog din?


Ilang araw na ang lumipas at ngayon ko lang sinubukan magregister dito sa free blogging site. Bakit? Hindi kasi ako marunong magBlog. hahahhaha

Napaisip nga ako e. Ano ba ibig sabihin ng blog? ang alam ko lang e un ung may mga binabahagi kang kwento via internet. Basta un ung pino-post sa world wide web para mabasa ng mga tao. Yun ba un? Tama ba ko??


Ayon sa kaibigan kong si Wikipedia, ang blog ay eto...

"A blog (a portmanteau of the term web log)[1] is a personal journal published on the World Wide Web consisting of discrete entries ("posts") typically displayed in reverse chronological order so the most recent post appears first."


A basta! hahahha, nagregister na ko dito kaya tuloy tuloy na to! ahhaha, hindi man araw araw katulad ng finafollow kong blogger, e magbabahagi pa rin ako ng kahit anong tumakbo sa isipan ko. Basta ganun na lang, sulat ng sulat. may makabasa man o wala, basta magsulat. hahahha :))



Welcome to me sa blogspot.com! at eto ang matatawag na una kong BLOG...


Yey! Matatawag na kong blogger!
Ela d blogger!:D