Nung nakaraang nakaraang linggo,
Habang naglalakad ako sa may U.N. Avenue, Taft.. Meron akong bagay na sinubukang gawin na hindi ko naman kadalasang ginagawa..
Eto nga.. ang MAGLAGAY NG EARPHONE NA MAY NAKASALANG
NA NAPAKALAKAS NA TUGTUG HABANG NAGLALAKAD SA DAAN.
OO! Hindi ako sanay dito! hahaha, parang taong bundok ba?
Nang tatawid na ako sa 'tamang tawiran', andaming tao ang tila sinadyang sumabay sa akin.
Sulpot dito, sulpot doon..
Lakad dito, Lakad doon...
Patungo sa iba't ibang direksyon.
At dahil 3PM na non, nagsilabasan na rin ang mga estudyante mula sa Araullo highschool.. May mga iilan ding nakaputi, foreigners na patungo sa Medical Doctors, mga tao sa Mcdonalds, mga umaandar na taxikel (tawag ni mama sa mga tribike..), mga nakapilang mga sasakyan at mga taong etc (iba pa)...
Pero dahil nga sa nakaEARPHONES ako na may masiglang tugtog...
Hindi ko naririnig ang ingay na created by the environment..
When I recall un time na to, parang "I'm walking on Sunshine wo Oh".
(slmat sa Mcdo.hehe) Slow Mo ang mode nd i'm at quote and quote, PEACE..
then here comes the realizations...
Want to illustrate it like isang taong tahimik ang buhay dahil hindi naririnig ang kanyang paligid.
PWEDE BA YON??
ang hindi mo marinig ang iyong paligid?
I DOUBT.
buti kung ikaw ay isa pang beybi.. hehe
Sino ang hindi nakakarinig ng mga
latest issues sa paligid?
| Siyempre ang impeachment ni Justice (na nkaholiday break ngayon) |
| Naku! Ang pagtaas at pagtaas at pagtaas ng presyo ng langis na nagcause ng 0.50cents taas sa pamasahe. |
ang Pagmimina na sinasabing PHILIPPINES FOR SALE!?
| Ang sumisikat na Noynoying. |
| Ang kakaibang ginagamit daw ni PacMan kaya siya laging malakas. (tiyak ko inabangan to ng madlang tao.hehehe, aku din e) |
| Ang pagAmin ni Katrina Halili sa kanyang pagbubuntis. (eto lang ang latest showbiz news na alam ko e. hehehhe) |
At MARAMI PANG IBA...........................
Sino ang hindi nakakarinig sa mga ito? Kahit siguro may earphones ako, makikita at maririnig ko pa rin ito...
Narealize ko sa ginawa kong experiment na.. CHOICE natin kung makikinig man tayo o hindi. Pwede akong MAGBINGI-BINGIHAN sa kaguluhan ng paligid kahit nakikita ko ang mga ito. Pwede akong maglakad ng matiwasay at panatilihin ang aking sariling WALANG PAKIALAM sa iba... Pwede kong magpatugtog ng malakas para lang MATAKPAN ang mga ingay na pwedeng makadistract sakin. at kung anu ano pa...
Bottom line? Marami sa atin ang may mga earphones sa tainga.
Count me in! hahaha,
But the GOOD NEWS is, pwede rin tayong MAKIALAM. Hindi natin kailangan magisip nang malalim, magaral ng masters, magkaroon ng degree, at magplano ng malaki para may magawa! Yes! MAY MAGAGAWA TAYO! Sa paligid lang natin, we can be Change Makers. We can contribute in our own ways... Pagbabago sa sarili.. sa ugali, sa pananalita, sa isip at kilos.. Eto ang magagawa natin. At kung makakaimpluwensiya tayo ng iba pa, well and good!
At higit sa lahat, alisin ang earphones sa tainga! Magkaroon tayo ng pakialam sa ating mga kapwa. Panahon na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento