Martes, Pebrero 5, 2013

the contract: a CI story


Christmas Institute (CI) has been a venue wherein the young people of the United Methodist Church in the Philippines gather, learn and worship together as one.

Naging mahalagang parte na ito ng buhay ng mga kabataan mula noon hanggang ngayon. May mga nakatagpo ang Lord, nagcommit sa ministeryo, nakakita ng lifetime partners at nagstep up na great leaders, dahil na rin sa tulong ng tinatawag na CI experience- ung experience na parang katumbas ng heart-warming experience ni John Wesley noon.

At gusto ko ngayong ikwento ang nakaraang istorya ng aming CI. Heto na…

"We love because He first loved us." (1 John 4:19) Yan ang peg namin ngayon. Naglayon kami na madama ni kabataan ang pagibig ng Panginoon at maudyok na sumunod sa Kanya ng tapat after realizing this love.

Ako’y isang simpleng staff na kabilang sa program committee. Aminado sa aking sarili na ako ay nagkulang sa preparasyon. Ngunit naghanda na rin ako para sa mga hindi inaasahang mangyayari. At nagsimula na nga ang unang araw…


Alas singko y media pa lang ay may mga kabataan nang nagsidatingan. Nakakatawa kasi kami yung hindi pa nakahanda sa mga oras na yun. Sunod sunod na nga ang pagdating ng mga kabataang nagmula sa Philippines Annual Conference (Northwest and Southwest District). Originally, ayon sa programa, 10 AM magsisimula ang opening worship pero unang araw means unang bugso rin ng pagsubok at pagtatagumpay. :P

‘Wala pang sound system!’

Yan ang bumulaga sa aming unang mga oras. Bilang program committee, siyempre hindi ito basta  basta biro ito dahil may programa kaming sinusundan, idagdag pa natin ang napakaagang pagdating ng guest speaker namin at 7:30 AM. We have no choice but to move the program… 6 hours naghintay ang aming speaker, and finally nakapagsalita na siya at 1:30 PM. Nakakahiya pero good thing he understood the situation. Hindi lang ito nangyari sa unang araw, kundi in the whole duration ng CI may mga adjustments din...
si Dok, ang unang tagapagsalita. Maraming salamat po sa pagtatiyagang maghintay para po sa amin.


Ngayong CI kumuha kami ng event organizer at siya ang umayos ng lahat, mula sound system, food, accommodation, at transpo. Ngunit katulad nga ng sinabi ko kanina, hinanda na namin ang sarili sa mga di inaasahang pangyayari. TAMA! Hindi namin inasahang hindi siya tutupad sa ilang mga ipinangako during negotiation time pa lang. tsk tsk

Sound system (mics and dalawang speaker) provided pero walang drumset, LCD projector, at keyboards. Unang araw pa lang nagspecial meeting na for troubleshooting. Resolving the problem was the peg for the day. Good thing, we were able to get the things we need from the concerned PAC churches (Central, Knox and Makati UMC). 1st truth: GOD PROVIDES. DON’T WORRY ABOUT ANYTHING.

Though may mga pagsubok na katulad nito, hindi naman nagsuffer ang quality ng mga activities for the day. Na-hit pa rin ang objectives plus higit pa sa iniexpect. Sabi nga ng first speaker namin, ‘Ok lang magkaproblema, ang mahalaga ay hindi ito nararamdaman ng delegates niyo. Ito yung panahong mas kailangan niyo magkaisa para masolusyunan ang problema’. [salamat dok]


Pangalawang araw, ang medyo naging struggle dito ay ang pagkaen. Longganisang flat sa umagahan, pork chop na may sabaw ng adobo sa tanghalian at embutidong tuyo sa hapunan. Walang kape at nagkulang pa sa tubig. Pero katulad ng natutunan namin nung unang araw, 'PRAISE GOD FROM WHOM ALL BLESSINGS FLOW'… Kaya namankahit mahirap lunukin, ang hustisya sa pagkaing pinagkasunduan ay isinantabi muna at nagpasalamat pa rin na kami’y may makakain. ‘Babawi na lang po bukas’, yan ang sabi ng mga kuyang nagserve ng food.
wala akong picture nung epic na embutido kaya etong nakakapagod na activity na lang... :)))

Pero hindi ko napigilang maiyak nung gabing iyon. Nang makita ko ang hapunan, alam ng ibang staff kung paano ko nadisappoint at nanghina, di ba Aldrin?Isang malaking HAYY… Naiyak ako dahil naawa ako sa mga delegates namin, naiyak ako dahil hindi ko matanggap na ganon ang kakainin namin matapos ang isang nakakapagod na araw [mapunta ka ba naman sa impiyerno at sa langit, idagdag pa ang pagod sa pagaabsorb ng mga lessons sa buong maghapon]. Nakakaiyak di ba? Pero dahil dito, nakita ko ang 2nd truth: GOD SUSTAINS US. BE THANKFUL!

Umaga ng makakain kami ng tatlong klase ng ulam, itlog, hotdog (ung tigtetres siguro) at meat loaf, bumawi nga. Pero sabi ko nga sa isip ko, ‘Hindi yun pagbawi. Yun lang talaga ang dapat na tinatanggap namin sa binayad namin sa pagkaen.’ (bitter pa rin. hahaha) Pero sige, isuko na ang bitterness, at tanggapin na lang ang mga susunod...


Third day, ang mahabang piring. Bible study at trust walk. Sa araw na ito, ang pinagusapan ay ang objective ng program. Actually kung ieevaluate siya, out of 100%, meron siguro itong 50% na hit sa layon ng araw na yun. Medyo nagkaroon ng kaisipan na hindi nameet un goal sa trust walk (na highlight ng 2nd day), dahil nawala ang solemnity at kaayusan ng activity itself. Pero para sa akin, hindi naman siguro.
trust walk

Iba-iba ang take ng mga kabataan sa mga gawaing inihahain natin sa kanila. Merong seryoso, meron ding naglalaro. May nakakaintindi at meron din namang hindi. Kahit na gaano kaganda at kaayos ang trust walk na gawin ay hindi pa rin natin kontrol ang magiging reaksiyon ni kabataan. Hindi naman naging epic fail iyon dahil I'm sure na may mga kabataang sineryoso ang gawain kaya naman naging maganda rin sa kanila ang dating nito, hindi nga lang talaga lahat. Pero overall, it’s a thumbs up na rin. Hindi naman natin masusukat ang pagtanggap ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga iyak o sigaw e. 3rd truth: MAN LOOK AT THE OUTSIDE APPEARANCE BUT GOD LOOKS AT THE HEART. ONLY GOD KNOWS.

Pangapat na araw, wag na natin pagusapan ang pagkain. Hahahahha, dito oras ang hinahabol. Sa loob ng apat na araw, hindi naging ahead or on time ang preparation ng pagkain. Naging istrikto sa oras, mula paggising ng maaga hanggang sa pagcontrol ng time dahil magiging siksik ang buong araw… Kaso ang lahat ng ito pala ay tataluhin din ng late na lunch at dinner namin. Haha, ang nasabi na lang, ‘OK’.

When God Ran...

Nun mga nakaraang araw ay medyo may mga hindi kami na-hit na objectives (program) na gusto sana naming iparating kay kabataan. Pero laking gulat at pasasalamat namin na sa panghuling araw ay tila tinahi-tahi na nito ang programa at dinaanan pa ung mga naging pagkukulang nun mga nakaraang araw.BULL’S EYE! Naguusap nga kami ni Wapoy nun at ang sabi namin, ‘Ang galing lang! Nakuha ung mga hindi nakuha nung nakaraan tapos sobra pa!’ Na-amaze talaga kami nun! 4th truth: GOD IS IN CONTROL. LEARN TO TRUST.

And lastly, the 5th day. Ang araw na pinakahihintay ng mga magulang namin. hehehe, Tuluyan nang hindi nasunod ang oras at programa. Pero sa closing worship isa lang ang masasabi ko: isang katagumpayan ang CI.

closing worship
Dito nagkaroon ng pagpapatawaran,  pasasalamat at pagkilala sa mga staffs, facilitators, delegates, at mga bagong graduate na mga kabataan - sila na bumubuo ng buong Christmas Institute. Habang nagyayakapan ang mga tao, grabe ung feeling ko. Un tipong WAAAAAAAAAAAAA tapos na ang CI and we survived! Nakakaiyak na naman, hahaha! (ako na nana) Matapos lahat ng paghihirap, tampuhan, suyuan, tawanan, eto na nga, TAPOS NA!


Banggitin ko lang ang mensahe ng paghamon. Matapos natin malaman kung gaano tayo kamahal ng Diyos, at tanggapin ang pagibig na ito, tayo ay tinatawag na sumunod sa Kanya. Dalawang utos ang iniwan. “Love the Lord your God with all your heart, with all your soul, and with all your mind. Then love your neighbour as yourself.” Simple lang, PAGIBIG.

Madali lang umibig kung ayon sa depinisyon nating mga tao ang susundin. Pero katulad ng pagibig na ipinakita ng Ama, ibinigay ang sariling Anak dahil sa pagibig sa atin, gayundin ang inaasahang pagibig na ibabahagi natin sa iba. Dahil ang pagibig natin ay mula sa Diyos, dapat ito ay walang pinipili, walang sini-sino, walang tigil, at walang kundisyon. In short, WAGAS at DALISAY.

Kaya naman kahit tayo ay naNILDA, matuto tayong ibigin pa rin ang mga taong nakagawa sa atin ng hindi maganda, though hindi kinakalimutan na sa pagibig ay may kapatawaran pero meron ding hustisya. Siyemperds, ang kontrata… ;p


Napakadami kong natutunan, sa sarili ko at sa bawat isa. Outside the programa, maraming tumatak sakin katulad ng pagtitiwala sa Diyos at sa mga kasama, pagiging kalmado sa panahon na ang lahat ay aligaga na, paggawa ng magagawa mo at pagpapaubaya sa Diyos ng hindi mo kayang gawin, pagiyak para sa iba, pagsunod kahit sa mas nakababata sayo, pakikinig sa mga ate at kuya, panalanging mataimtim sa gitna ng kaabalahan, at pagibig period. Isang kagalakan ang maging bahagi ng CI na ito.

Sa taong ito, lalo pang ibigin ang Diyos, sa katotohanan at sa gawa, at pag nangyari ito, hindi na tayo mahihirapang ibigin ang iba. Mahalin kahit ang di kaibig-ibig. Ikalat ang Kristo sa pamamagitan ng pagibig na umaapaw mula sa ating mga buhay, sa pamilya, kaibigan, kachurch, katrabaho, ka-faith, kababayan, katutubo, kasama, kakilala, kasalubong, katampuhan, kaaway, at idagdag mo lahat ng ‘ka’ na maiisip mo



patuloy na magalab at wag mawala ang init ng pagibig sa Panginoon upang patuloy din ang pagibig natin sa ating kapwa... humayo!


Again mga ‘ka’, ang mahalaga, WE LOVE BECAUSE HE FIRST LOVED US! Spread the Word!
“Christ above all!”#Your love never fails, never gives up, never runs out on me #love love love

isang sorpresa


eto ang kasunod ng naisulat kong joyride. (last na to :))

well, sino nga ba ang makapagsasabi kung ano ang mararamdaman mo pag ika'y sinorpresa ng mga mahal mo sa buhay??

bago pa man magalas siyete ay nagready na ang lahat para sa pagpasok ng 'lady of the night.' at kung inyo pog makikita ay mas mukhang tense ang mga mangsusorpresa kesa sa sosorpresahin! hahahha un tipong bawat pumapasok sa mahiwagang pintuan ay nakakapigil ng hininga sa pagaakalang si ate Shai na nga iyon. whew! grabe ung excitement, parang kami ung sosorpresahin! hahahhaha

at dumating na nga ang bride, este, birthday girl. :D at pagpasok pa lang ay kitang kita na ang pagkabigla at pagiging emosyonal ni ate Shai. hahahha, tila hindi makapaniwala, ayaw pumasok at sabay tulo na lang ng luha ang nangyari.... hahahahha, kami naman todo palakpak, pumalakpak nga ba kami nun? hala pati ako nawala na sa sarili! hehehhe

at ayun, ang buong gabi ay history na.

hindi ko na ikekwento per minuto ang mga nangyari. basta sa kabuuan, eto yun:

jericho morales at jordan on the tune

lady gaga delivering her message of friendship with ate shai :D


-nagkaroon ng kantahan at jammingan
-bigayan ng mga mensaheng inspirational
-kainan (yumyumyum) at sayawan
-iyakan at hiyawan (kilig)
-at higit sa lahat ang pinakahihintay na sorpresa sa sorpresa....

ang video ng pamamanhikan at ang mahiwagang tanong na gumulantang sa lahat... :]]
the proposal


'WILL YOU MARRY ME? '

hindi na nakapagsalita si ate shai sa kakaiyak, at kinuha na lang ni kuya ismac ang kanyang kamay sabay isinuot ang engagement ring (with matching luhod factor pa)! at sila'y nagsayaw na nga, parang cinderella lang ang peg... hahahha, at kung makikita nga ang mga mukha nang nakapalibot sa knla nang mga oras na yon e hindi nga maipinta sa tuwa, sa bigla, sa kilig, sa saya, sa ewan ko ba. hahahha tila tumigil ang takbo ng oras. :))

kahit ang mga nagorganisa ng programa ay hindi namalayang may ganitong pakulo pa pala. kaya naman isang pak para sayo kuya Ismac! #isang sorpresa sa isang sorpresa

at pahabol na sorpresa, joke lang pala ang Palawan trip na inexpect ni ate Shai from kuya Ismac. surprise!!! :D
hahahah, napunta na dito lahat.... next time na daw un



at ayun na nga. it was a magical moment for all who have witnessed the precious event. :)

dalawang buhay na pinagtagpo ng Panginoon..
pinagbuklod ng pagibig at pagkakaibigan, pinatibay ng mga pagsubok at tagumpay, pinatatag ng panahon at ngayo'y patuloy na pinagpapala ang mga hiling ng puso.. tunay na nakakainspire. sana mainspire ang iba pa sa kwentong ito,

isang malaking congrats po kuya ate! akap! :D

some sort of the masterminds... ;p


#word for the day: SORPRESA ;p
#dati'y isang pangarap lang ngayo'y katuparan na
#walang fail na relasyon basta ang Diyos ay kasama
#pagibig is in the air
#hangober


ended with a reward sa sarili. kuntento sa simpleng kapeng magpapainit ng sikmura at sweets. >:) habang hinihintay si colleen sa ministop. :D
#contentmentreward

a ministop vanity. :DDD


~End

joyride.


umaga pa lang LCD projector na ang laman ng text messages namin ni kuya ismac. pano, hindi umubra ung original source ng LCD projector na nakausap... at eto na nga, inexhaust ang lahat ng possible na paraan to have an LCD projector na magagamit sa SURPRISE PARTY maya maya...

alas dos y media nang nagkakumpirmahan ng LCD projector at take note, MARIKINA ang place for pick up.Wala namang ibang paraan kundi ang gawin ang natatanging paraan... ;ppp kaya naman, binagtas angMALABON to MARIKINA and back to MANILA in a limited time of 3 hours....

Dahil hindi ako maalam sa mga lugar, at bobo ko pagdating sa direksyon (kelangan ko pang magGesture ng sulat para maregister sa isip ang kanan at kaliwa), tinanong ko pa kay NOEE kung lalakarin ku lang ba ang Cubao to Meralco, Marikina. Aba'y hindi ko akalain na pag sakay sa jeep e labinganim na piso ang pamasahe hanggang dun sa Meralco- ibig sabihin, may kalayuan ang lugar na aking pupuntahan... hahahha,buti na lang hindi ku sinubukang lakarin! :D

Kahit may oras na hinahabol, bagay na kailangan ayusin, isama na ang imaheng hindi na mahalaga sa mga oras na iyon. e inisip ko na lang na wag mastress... :) Imbes na mainip sa trapik o mainis sa init at alikabok ay sinubukan kong ienjoy ang byahe at tawagin itong JOYRIDE.. :)

Well, nagtagumpay naman ako. hehe

Eto ang mga naiisip ko sa isang oras na byahe:
-ang kulit kasi hindi ako makapaniwalang bumabiyahe ako kahit hindi ko alam ang aking pupuntahan (which is hindi naman na bago, pero it's my first to go to Marikina alone). lagi ko naman baon si magtanong kaya hopefully hindi ako maligaw
-dahil sa LCD projector, na-adrenaline rush ako ng wala sa oras
-nakakatawa na nung una'y nasa Malabon lang ako parelak relak at biglang parang nasa ibang lupalop na in just a split of minutes
-kung aabot ba ako sa surprise party kasama ng LCD projector na gagamitin sa unang part pa lang ng programa
-and lastly, enjoy lang. keri yan! :D


Byahe... byahe... byahe...

After 30 minutes.....

'Manong, malayo pa ba ung Meralco??'

'OO. MALAYO PA...'

patagong shot sa jeep ;p ebdensiya ng walang magawa :D
Shockkkkss! Alas singko na! Ang sakit sa bangs (kung may bangs lang ako e). Actually dapat alas kwatro pa lang ay nasa Quezon Avenue na ko para magset up sa teknikals.. Whew! sige, tiis lang... makakarating din yan, another time to enjoy ang hangin, ang usok, ang pawis, ang init, ang pagmamadali at angthought na dahil sa LCD projector, pupunta ako ng Marikina....


After 30 minutes ulit.....

'Ayan na ang Meralco', sabi sakin ni manong drayber.

YEY! Pagbaba ko, text agad ako, 'NOEE, ANDITO NA KO.'

Mga 3minutes lang siguro ay nakita ko na ang taong may dala ng itim na bag- ang LCD projector.. Onting usap at thank you at pagtapos ay sakay na ulit sa jeep pabalik ng Cubao.

Pagsakay ko ng jeep, natawa ko magisa at naisip. 'Mas matagal pa ang paglalakad ko at paghahanap sa jeep na papuntang SSS village sa Cubao kesa yung pagtapak at pagtayo ko sa Marikina!' hahahahha

nang magtext nga ako kila ate len ay para akong nanalo sa kung anong contest. 'Yey! Got it! Pabalik na sa Manila...'

Pero parang nanadya ang pagkakataon, may bumangga pa sa jeep na sinasakyan ko, at sa may tapat ko pa talaga. hayy, buti na lang hindi masyadong war freak si manong drayber kaya hindi na pinalaki ang pagsagi sa kanyang minamahal na oto. Alas sais kinse nang dumating sa Cubao.

Dapat ay nasa Patio Ibarra na bago magalas siyete kaya naman kahit mabigat ang malaking bag na dala ay tinakbo nang walang tigil ang kahabaan ng Cubao, di alintana ang pawis na tumutulo at ang buhok na dati nang magulo ay lalo pang gumulo... hhahaha, at nakasakay din ng MRT... enjoy pa rin
MRT to Quezon Ave. Normal na senaryo pero napakaprecious sa akin nung time na un... #close to finish line :))

Quezon Avenue. TAKBO, TAKBO, TAKBO...

SUCCESS!!!!!!!!!

oha! may 15 minutes ahead pa nang makatapak sa loob ng Patio Ibarra...

di nagtagal, at nagsimula na nga ang surpresa..

(abangan ang susunod na kabanata.)

sorprise! :DDDD



#natutunan kong magenjoy at magpasalamat sa kabila ng stress at pagsubok #KAYA naman pala e
#pagibig. it will push you to do the extra mile ;p
#para sa inyo kuya ismac at ate shai. love you both

Tutula ako


Mahilig akong magkwento, minsan nasusulat ko pa ang mga ito. Pero hindi ko pa nasusubukang gumawa ng isang tula, katulad ng mga nakikita kong berso sa tren tuwing sasakay ng LRT. Kaya trial ang aking gagawin ngayon, susubukang gumawa kahit hindi pa marunong. Gusto ko lang tumula, tumula at tumula....

Dahil sa sunod-sunod na kamatayan ang aking nasaksihan mula pa noong nakaraang taon, isang repleksiyon sa buhay na idadaan na lang sa tula….


BUHAY

KAMATAYAN. Sadyang hindi matatakasan
Lahat ay dadating sa huli nilang hantungan
Ngunit habang wala pa’y, maaari rin namang
Habang nabubuhay ay mabuhay nang may may kabuluhan.

Sa mga tinatamad, napapagod at walang ganang gumising araw-araw
Isang paalala mula sa komersiyal, ang ‘para saan ka gumigising?’
Imbes na magmukmok bakit di subukang bumangon at lumabas
At mabuhay, tumawa, magmahal…. Live, Laugh, Love ika nga

Wag nating hintayin ang oras kung kelan huli na
Wala nang magagawa pagkat wala na ngang hininga.
Bawat buhay ng tao ay may kani-kaniyang halaga,
Kailangan lang hanapin at ibahagi sa iba.


-ylah <3


Chos!


Maaaring hindi pangseryoso ang pamagat ng aking maisusulat ngayon pero isang mensaheng medyo may kabuluhan ang maaaring maging dala nito..

Nagpunta kami sa isang lamay ng isang kilalang community organizer. Bago pa lang pumasok ay makikita mo na ang nakahilerang mga bulaklak na tila may contest ng pabonggahan, palakihan at pagandahan ng bulaklak na alay sa yumao. Bawat bulaklak ay mula rin sa iba’t ibang organisasiyon na maaaring kaniyang kinabilangan at nakasama habang siya’y nabubuhay…


Mula sa nakita, isang repleksiyon ang nabuo sa aking isipan… “Hindi naman siguro ganito karami at kabongga ang mga bulaklak ng pakikiramay sa lugar na ito kung wala siyang ‘makabuluhang kontribusiyon’ sa bayan at sa mga taong kaniyang nakasama habang siya’y nabubuhay..

Nang mas nakilala ko pa siya mula sa mga kwento ni Tita Rubilyn, ako’y mas napahanga. Katulad ko, siya’y isa ding nars! Noo’y meron daw pagkakataong lumabas ng bansa upang duo’y magtrabaho at kumita ng dolyares, pero piniling manatili sa sariling bayan, mabuhay ng simple at maglingkod sa mga mamamayan.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga nagawa, bagkus ay ibabahagi na lang ang litratong mula sa year book nung siya’y estudyante pa sa UP…

Amy de la Cuadra

known as the "late miss de la cuadra" by miss cruz...her driving motto: better late than never!... a decided procrastinator in academic matters (Ano?! Bukas na ang deadline? Mamayang gabi ko na gagawin!)... cool under fire, level-headed (except when she fell madlyinfatuated with one of Barry Manilow's creations)... matiyaga, masigasig, martyr... give na give basta extra-curricular...claims to be a nurse at heart (poor dearrie!)... basically shy, patient, generous and very much interested in people (any particular sex?)... more of a listener than a talker;  but when she talks, people listen (authority talaga!)... claims to be a child in many ways (look at her height!)... a typical scorpion - secretive, good organizer, dominant, energetic, strong willed, passionate (oh?)... loves the nation... tipong nahawang UP fever... "ang silbi ko ay para sa bayan"... Chos!

Chos!

Nakakatawang isipin na ang salitang “chos” pala ay panahon pa ng nineteen kopong–kopong!  Seryoso! Nasa hulihan talaga ng description ni Kapitana ang salitang “chos!” (ngayon, naintindihan niyo na kung bakit un ung title ng note na ito?! Chos!)

Binalikan ko ang aking sarili, at pinagbulay-bulayan ang ilang mga katanungan sa buhay….
Gaano kaya kagaganda ang mga bulaklak na ipapadala sa aking lamay o di kaya'y gaano karami ang taong makakaalala at makikiramay sa aking pamilya pag ako’y namatay? (ngayon, nakita ko, na ang mga bulaklak ay hindi lang pangdisplay tuwing patay, kundi nagpapahayag ito kung gaano kahalagang tao ung yumao sa pamamagitan ng unspoken message na dala nito – ang effort ng pagpapagawa pati na ang gastos ng mahigit sa isang libo para sa yumao ay hindi isang biro ha)

Ano na nga ba ang nai-contribute natin sa bayan o sa komunidad na kinabibilangan natin?Paliitin natin, anu-ano na ang nai-contribute o naiambag natin sa buhay ng mga nasa paligid natin (mapakaibigan, kapamilya, kaklase, katrabaho, kasimbahan, kapatiran, kakilala, kabungguan, kabagang, etc..)? Meron nga ba??

And lastly, alam ba natin ang ‘bakit’ ng buhay natin? Kung hindi pa, I encourage you to know YOUR WHY. Maaaring iba-iba tayo ng drive sa buhay, ngunit katulad ng kay tita Amy, mahirap man e masarap mabuhay ng alam ang dahilan kung bakit siya nananatiling buhay, at para sa kanya, ito ay ang mabuhay ng buhay na nagbibigay buhay rin sa iba. Ikaw, ano ang ‘BAKIT’ mo??

Salamat kay Kapitana Amy De la Cuadra!

Kuya Noli,


Dahil ang nccp ay naging isang pamilya na rin sa akin, ang pagkawala ni kuya noli ay pagkawala ng isang kapamilya...  :(

Naiiyak ako habang inaalala ang mga pagkakataon with kuya noli. Sa maikling panahon ay naging malapit kami dahil naging malaking bahagi siya ng global justice volunteer experience ko sa NCCP...

Ang sakit sa loob na bglaan ay nawala siya ng ganun na lng kabilis. Isa sa mga pinakamatagal na staff sa nccp (ika nga ni Padi Rex), faithful uccp member, manager ng goods sa nccp at driver na rin, tatay, kuya at isang tunay na naglilingkod sa Diyos at sa tao.

Naaalala ko pa nung una kaming magkadaupang palad... Sinabi niya sa akin siya'y isang piloto. Naniwala na ako ng higit isang oras hanggang sa inamin niya rin saking hnd nman tlga siya piloto nung hindi na niya masagot ung mga anong ko tungkol sa eroplano at pagpapalipad nito. Hehe, isang piloto. Piloto ng mga panlupang sasakyan.

Marami nang mga napagusapan non tungkol sa mga bagay bagay habang pabiyahe patungo sa batangas.  Naalala ko pa nang napagusapan namin ang hindi ko pag take ng board exam. Isa lang ang payo niya sakin... Kumuha ako ng exam hindi para sa sarili ko kindi dahil maraming taong nangangailangan pag dating sa health care. At tama naman si kuya noli... (dadating din tayo jan kuya Noli)

Nagstop over pa sa tagaytay para makapagpiktyur kami nila kuya fred (liberian) sa magandang tanawin. Eto ung piktyur namin :)

Kinasabaduhan, nagpunta naman kami sa nueva ecija. Mahaba habang biyahe at kwentuhan na naman kasama si kuya ed... Andaming words of wisdom na makukuha mula sa taong ito. Maaaring marahil sa kanyang mga karanasan at sa tagal na rin sa paglilingkod.  Siyempre hindi lang puro positibo kundi pati mga 'kinda' negatibo sa buhay ang mga napagtsikahan, at ang mga aral na mapupulot dito. Pero samin na lang un ;)

Nakasalo sa umagahan, tanghalian, meryenda at hapunan. (salamat sa jollibee, mang inasal, mushroom burger, nueva ecija umm, at sa mga baon namin tuwing biyahe)

Isa pa, si kuya Noli ay puno ng jokes! Nakakatawa man o hindi, ikekwento niya ito sayo! hahahha, kaya pati onting mga kalokohan ay nakuha ko na rin mula sa kanya... ;p

Pagtapos ng GJV experience, nagkasama pa sa ilang mga relief operations. Naalala ko nung kaming dalawa lang sa warehouse habang nagpapack ng relief para sa mga nasalanta ng habagat... kwentuhan na naman.. :) Pero higit dun, an SIPAG ni kuya Noli. kahit iisa lang niya nagtatrabaho siya at sinesecure ang mga gamit... pati na ang mga sasakyan. kahit walang nakakakita, kasi para sa kanyaang paglilingkod ay ginagawa kahit walang nakakakita.

At sa tuwing magkikita ay nagkakamustahan, nagbabalitaan at higit sa lahat, nagngingitian... :) Never ko atang nakita si kuya noli na nakasimangot pag nagkikita kami!  Parang nun nakaraan lang...

Kaya naman hindi naging madali para sa akin ang maniwala sa balitang "kuya Noli passed away"

Paulit-ulit tinatanong sa kapatid ko kung si kuya Noli ng FWS nga ba talaga yon? nainis na nga sakin kasi dalawang araw ko nang binabanggit un... hayy,

Naluluha ako habang isinusulat ang mga ito. Dahil sa maikling panahon ay nagkaroon na ng space si kuya Noli sa puso ko. Bilang nakatatanda, anuman ang sabihin ng iba, naging isang inspirasyon si kuya noli sa akin personally pagdating sa paglilingkod... Isang ehemplo na aking susundan. :'(


"Kuya Noli, hindi man kita makita sa iyong huling hantungan, alam kong magkikia tayo sa hinaharap. At dun ikekwento ko sayo ang mga mangyayari sa buhay ko sa mga susunod na araw. Katulad ng lagi mong sinasabi sa akin, 'kung maglilingkod ka, maglingkod ka lang ng maglingkod.'  Salamat sa buhay mo kuya. Hindi kita makakalimutan... Papanatilihin sa aking memorya ang iyong mga ngiti at mga jokes noong nabubuhay ka pa... Til we meet again! Paalam kuya Noli!"


#napakabilis ng buhay. hindi man natuloy ang end of the world, who knows kung hanggang kelan ang hininga niya dito sa mundo? Kaya naman laging maging handa, at kung maaari ay mabuhay ng parang wala nang bukas. Magmahal, maglingkod at tumawa nang parang wala nang bukas.. dahil hindi natin alam kung bukas ay may pagkakataon pa para dito...

Driver ng lahat


We can thank God for the gift of memory…
 that we can move on with the pain of permanent separation… -Padi Rex

Una sa lahat, nakikiramay po ako sa buong pamilya. Hayaan niyo pong magsulat ako ng isang kwento…

Si Kuya Lito, ang Drayber ng Lahat.
Base sa mga kwento ng mga taong nagpatotoo, masasabi ko na ang buhay ni Tito Lito dito sa earth ay naging makulay, makabuluhan at nagbibigay buhay para sa iba. Simulan natin sa memories…

Noong siyay’s bata pa ay naging sakristan, kasama ng mga pari, umaakyat sa altar at nagaassist sa bawat gawain. Nang maikwento niya ito kay Tita Emma (ang kanyang kabiyak), ang nasabi lang niya ay ‘NAENJOY KO ANG PAGIGING SAKRISTAN.’ (assumed words)

Bilang ama at asawa naman, all around daw siya sa bahay. Maalaga, understanding at mapagmahal. Nakwento rin nga ni Ate Cheekai (daughter) sakin nun, pag umaga daw, gusto ni Tito na sabay-sabay silang kumain kaya kahit antok pa ay gigising at gigisingin siya nito. Yan ang #1 rule sa bahay.
Sa bahay, kadalasa’y nasa duyan pag hapon o kaya naman ay sa bakuran at nagtatanim ng kung anik anik… Kaya nga raw maraming kalamansi sa kanila. Dagdag: minsan ay nauuna pa sa showbiz balita! :)

FAST FORWARD>> Siya’y napunta sa National Council of Churches in the Philippines, kung hindi ako nagkakamali sa pagalala ay as early as 1980’s. Doon ay nagsilbi siya bilang isang driver at nagpatuloy ng serbisyo upto the present time basta siya’y available. On call kumbaga.

Sa pagiging simpleng driver niya ay marami siyang naiwan, hindi naiwang pasahero o bagahe, kundi mga di makakalimutang mga aral  ng buhay.

Pag nagdadrive daw si Kuya Lito (tawag sa kanya ng mga tagaNCCP, na maski si Dok ay nakiKuya na rin), never silang nakaalala ng pagkakataong nadelay sila dahil sa paghihintay sa sasakyan… 1 hour ahead sa oras na pinagusapan kung dumating, sabay pa ng pagsalubong sayo with a smile.

Regular price or discounted NCCP price? Laging napupunta sa discounted pero hindi nadidiscount o nababawasan ang serbisyong ibinibigay. When he drives, he drives with all of him. He makes sure na naibibigay niya ang best niya when he holds the steering wheel and step on to go.

At hindi maikakaila ang pagiging gentle sa lahat ng bagay kahit na ang lahat ng tao sa paigid ay aligaga na. Yan si Kuya Lito!

Personally,isa lang ang encounter ko kay Tito Lito. Yun ay nung sinundo niya kami sa Tagaytay during the Bible-in-context seminar. Yun nga lang, hindi ko masyadong matandaan ang mukha niya dahil puro likod ng ulo ang nakikita ko from the middle chair where I was seated. At nung nakita ko ang pictures ni Tito kanina, etoo lang ang nasabi k okay Tita Emma: “Ang gwapo pala ni Tito Tita!” :)

---
Opinion: Minsan minamaliit ng tao ang mga drivers. But when we come to think of it, they play a big role! They serve as transporters enabling us to reach our destinations safe and warm. Pag tulog tayo sa biyahe, they are the ones na nananatiling gising at alert para maihatid tayo ng buo. Sila ang katuwang ng sasakyan sa pagbiyahe, maikli o mahaba, samantalang nakaupo at nakarelax ang mga pasahero. Higit sa lahat, sa kanila nakasalalay ang buhay ng mga pasaherong sakay nila. I conclude, hindi madaling maging isang drayber!

Fact: At mula sa mga patotoo, masasabi ko na bukod sa hirap ng trabahong ginagawa ni Kuya Lito ayINANGAT NIYA ANG STANDARDS NG ISANG PAGIGING DRIVER. Mula sa pagiging sakristan hanggang sa pagiging family man at sa huli’y driver ng van… Maliliit na bagay na ginawa nang may malaking puso, kaya nagiwan ng marka. Isang tunay na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Some people drive you mad, Kuya Lito is not one of them. Some people drive you nuts, Kuya Lito is not one of them. Some people drive you crazy, Kuya Lito is not one of them. -Levi Bautista

Indeed, Kuya or Tito Lito is a ‘sulit at higit pa’ kind of a driver. Si Kuya Lito ang Drayber ng Lahat!

He drank the cup of his life and now it was full. It’s time to be back with his Creator. Let us always remember that in death we are renewed, in death we are born again. So long Tito Lito!