Christmas Institute (CI) has been a venue wherein the young people of the United Methodist Church in the Philippines gather, learn and worship together as one.
Naging mahalagang parte na ito ng buhay ng mga kabataan mula noon hanggang ngayon. May mga nakatagpo ang Lord, nagcommit sa ministeryo, nakakita ng lifetime partners at nagstep up na great leaders, dahil na rin sa tulong ng tinatawag na CI experience- ung experience na parang katumbas ng heart-warming experience ni John Wesley noon.
At gusto ko ngayong ikwento ang nakaraang istorya ng aming CI. Heto na…
"We love because He first loved us." (1 John 4:19) Yan ang peg namin ngayon. Naglayon kami na madama ni kabataan ang pagibig ng Panginoon at maudyok na sumunod sa Kanya ng tapat after realizing this love.
Ako’y isang simpleng staff na kabilang sa program committee. Aminado sa aking sarili na ako ay nagkulang sa preparasyon. Ngunit naghanda na rin ako para sa mga hindi inaasahang mangyayari. At nagsimula na nga ang unang araw…
Alas singko y media pa lang ay may mga kabataan nang nagsidatingan. Nakakatawa kasi kami yung hindi pa nakahanda sa mga oras na yun. Sunod sunod na nga ang pagdating ng mga kabataang nagmula sa Philippines Annual Conference (Northwest and Southwest District). Originally, ayon sa programa, 10 AM magsisimula ang opening worship pero unang araw means unang bugso rin ng pagsubok at pagtatagumpay. :P
‘Wala pang sound system!’
Yan ang bumulaga sa aming unang mga oras. Bilang program committee, siyempre hindi ito basta basta biro ito dahil may programa kaming sinusundan, idagdag pa natin ang napakaagang pagdating ng guest speaker namin at 7:30 AM. We have no choice but to move the program… 6 hours naghintay ang aming speaker, and finally nakapagsalita na siya at 1:30 PM. Nakakahiya pero good thing he understood the situation. Hindi lang ito nangyari sa unang araw, kundi in the whole duration ng CI may mga adjustments din...
si Dok, ang unang tagapagsalita. Maraming salamat po sa pagtatiyagang maghintay para po sa amin.
Ngayong CI kumuha kami ng event organizer at siya ang umayos ng lahat, mula sound system, food, accommodation, at transpo. Ngunit katulad nga ng sinabi ko kanina, hinanda na namin ang sarili sa mga di inaasahang pangyayari. TAMA! Hindi namin inasahang hindi siya tutupad sa ilang mga ipinangako during negotiation time pa lang. tsk tsk
Sound system (mics and dalawang speaker) provided pero walang drumset, LCD projector, at keyboards. Unang araw pa lang nagspecial meeting na for troubleshooting. Resolving the problem was the peg for the day. Good thing, we were able to get the things we need from the concerned PAC churches (Central, Knox and Makati UMC). 1st truth: GOD PROVIDES. DON’T WORRY ABOUT ANYTHING.
Though may mga pagsubok na katulad nito, hindi naman nagsuffer ang quality ng mga activities for the day. Na-hit pa rin ang objectives plus higit pa sa iniexpect. Sabi nga ng first speaker namin, ‘Ok lang magkaproblema, ang mahalaga ay hindi ito nararamdaman ng delegates niyo. Ito yung panahong mas kailangan niyo magkaisa para masolusyunan ang problema’. [salamat dok]
Pangalawang araw, ang medyo naging struggle dito ay ang pagkaen. Longganisang flat sa umagahan, pork chop na may sabaw ng adobo sa tanghalian at embutidong tuyo sa hapunan. Walang kape at nagkulang pa sa tubig. Pero katulad ng natutunan namin nung unang araw, 'PRAISE GOD FROM WHOM ALL BLESSINGS FLOW'… Kaya namankahit mahirap lunukin, ang hustisya sa pagkaing pinagkasunduan ay isinantabi muna at nagpasalamat pa rin na kami’y may makakain. ‘Babawi na lang po bukas’, yan ang sabi ng mga kuyang nagserve ng food.
wala akong picture nung epic na embutido kaya etong nakakapagod na activity na lang... :)))
Pero hindi ko napigilang maiyak nung gabing iyon. Nang makita ko ang hapunan, alam ng ibang staff kung paano ko nadisappoint at nanghina, di ba Aldrin?Isang malaking HAYY… Naiyak ako dahil naawa ako sa mga delegates namin, naiyak ako dahil hindi ko matanggap na ganon ang kakainin namin matapos ang isang nakakapagod na araw [mapunta ka ba naman sa impiyerno at sa langit, idagdag pa ang pagod sa pagaabsorb ng mga lessons sa buong maghapon]. Nakakaiyak di ba? Pero dahil dito, nakita ko ang 2nd truth: GOD SUSTAINS US. BE THANKFUL!
Umaga ng makakain kami ng tatlong klase ng ulam, itlog, hotdog (ung tigtetres siguro) at meat loaf, bumawi nga. Pero sabi ko nga sa isip ko, ‘Hindi yun pagbawi. Yun lang talaga ang dapat na tinatanggap namin sa binayad namin sa pagkaen.’ (bitter pa rin. hahaha) Pero sige, isuko na ang bitterness, at tanggapin na lang ang mga susunod...
Third day, ang mahabang piring. Bible study at trust walk. Sa araw na ito, ang pinagusapan ay ang objective ng program. Actually kung ieevaluate siya, out of 100%, meron siguro itong 50% na hit sa layon ng araw na yun. Medyo nagkaroon ng kaisipan na hindi nameet un goal sa trust walk (na highlight ng 2nd day), dahil nawala ang solemnity at kaayusan ng activity itself. Pero para sa akin, hindi naman siguro.
trust walk
Iba-iba ang take ng mga kabataan sa mga gawaing inihahain natin sa kanila. Merong seryoso, meron ding naglalaro. May nakakaintindi at meron din namang hindi. Kahit na gaano kaganda at kaayos ang trust walk na gawin ay hindi pa rin natin kontrol ang magiging reaksiyon ni kabataan. Hindi naman naging epic fail iyon dahil I'm sure na may mga kabataang sineryoso ang gawain kaya naman naging maganda rin sa kanila ang dating nito, hindi nga lang talaga lahat. Pero overall, it’s a thumbs up na rin. Hindi naman natin masusukat ang pagtanggap ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga iyak o sigaw e. 3rd truth: MAN LOOK AT THE OUTSIDE APPEARANCE BUT GOD LOOKS AT THE HEART. ONLY GOD KNOWS.
Pangapat na araw, wag na natin pagusapan ang pagkain. Hahahahha, dito oras ang hinahabol. Sa loob ng apat na araw, hindi naging ahead or on time ang preparation ng pagkain. Naging istrikto sa oras, mula paggising ng maaga hanggang sa pagcontrol ng time dahil magiging siksik ang buong araw… Kaso ang lahat ng ito pala ay tataluhin din ng late na lunch at dinner namin. Haha, ang nasabi na lang, ‘OK’.
When God Ran...
Nun mga nakaraang araw ay medyo may mga hindi kami na-hit na objectives (program) na gusto sana naming iparating kay kabataan. Pero laking gulat at pasasalamat namin na sa panghuling araw ay tila tinahi-tahi na nito ang programa at dinaanan pa ung mga naging pagkukulang nun mga nakaraang araw.BULL’S EYE! Naguusap nga kami ni Wapoy nun at ang sabi namin, ‘Ang galing lang! Nakuha ung mga hindi nakuha nung nakaraan tapos sobra pa!’ Na-amaze talaga kami nun! 4th truth: GOD IS IN CONTROL. LEARN TO TRUST.
And lastly, the 5th day. Ang araw na pinakahihintay ng mga magulang namin. hehehe, Tuluyan nang hindi nasunod ang oras at programa. Pero sa closing worship isa lang ang masasabi ko: isang katagumpayan ang CI.
closing worship
Dito nagkaroon ng pagpapatawaran, pasasalamat at pagkilala sa mga staffs, facilitators, delegates, at mga bagong graduate na mga kabataan - sila na bumubuo ng buong Christmas Institute. Habang nagyayakapan ang mga tao, grabe ung feeling ko. Un tipong WAAAAAAAAAAAAA tapos na ang CI and we survived! Nakakaiyak na naman, hahaha! (ako na nana) Matapos lahat ng paghihirap, tampuhan, suyuan, tawanan, eto na nga, TAPOS NA!
Banggitin ko lang ang mensahe ng paghamon. Matapos natin malaman kung gaano tayo kamahal ng Diyos, at tanggapin ang pagibig na ito, tayo ay tinatawag na sumunod sa Kanya. Dalawang utos ang iniwan. “Love the Lord your God with all your heart, with all your soul, and with all your mind. Then love your neighbour as yourself.” Simple lang, PAGIBIG.
Madali lang umibig kung ayon sa depinisyon nating mga tao ang susundin. Pero katulad ng pagibig na ipinakita ng Ama, ibinigay ang sariling Anak dahil sa pagibig sa atin, gayundin ang inaasahang pagibig na ibabahagi natin sa iba. Dahil ang pagibig natin ay mula sa Diyos, dapat ito ay walang pinipili, walang sini-sino, walang tigil, at walang kundisyon. In short, WAGAS at DALISAY.
Kaya naman kahit tayo ay naNILDA, matuto tayong ibigin pa rin ang mga taong nakagawa sa atin ng hindi maganda, though hindi kinakalimutan na sa pagibig ay may kapatawaran pero meron ding hustisya. Siyemperds, ang kontrata… ;p
Napakadami kong natutunan, sa sarili ko at sa bawat isa. Outside the programa, maraming tumatak sakin katulad ng pagtitiwala sa Diyos at sa mga kasama, pagiging kalmado sa panahon na ang lahat ay aligaga na, paggawa ng magagawa mo at pagpapaubaya sa Diyos ng hindi mo kayang gawin, pagiyak para sa iba, pagsunod kahit sa mas nakababata sayo, pakikinig sa mga ate at kuya, panalanging mataimtim sa gitna ng kaabalahan, at pagibig period. Isang kagalakan ang maging bahagi ng CI na ito.
Sa taong ito, lalo pang ibigin ang Diyos, sa katotohanan at sa gawa, at pag nangyari ito, hindi na tayo mahihirapang ibigin ang iba. Mahalin kahit ang di kaibig-ibig. Ikalat ang Kristo sa pamamagitan ng pagibig na umaapaw mula sa ating mga buhay, sa pamilya, kaibigan, kachurch, katrabaho, ka-faith, kababayan, katutubo, kasama, kakilala, kasalubong, katampuhan, kaaway, at idagdag mo lahat ng ‘ka’ na maiisip mo…
patuloy na magalab at wag mawala ang init ng pagibig sa Panginoon upang patuloy din ang pagibig natin sa ating kapwa... humayo!
Again mga ‘ka’, ang mahalaga, WE LOVE BECAUSE HE FIRST LOVED US! Spread the Word!
“Christ above all!”#Your love never fails, never gives up, never runs out on me #love love love