Sabado, Marso 17, 2012

isang batang magbobote...


habang nakasakay ako sa jeep papunta ng muzon umc knina..may isang batang magbobote sa maybrgy Catmon akong nakita..topless at maong na tokong lang ang suot.pag tapat sa may jeep namin,nahulog ang ibang boteng nakalagay sa sako sako na bina-bike nya.Iilan din un, mga 7-10 bote ang nahulog sa baha na lagpas paa.Pinulot ang ilan at dahil sa nakakasagabal siya sa trapiko,itinabi muna ang tribike bago ipinagpatuloy ang pamumulot ng mga bote..May iilang mga bata ang tumulong sa knya sa pamumulot.at sa huli.,pinulot ang boteng nabasag sa pagkakahulog sa bahang daan.at nuo'y umarangkada na ang jeep na aking sinasakyan...

Para akong sinakluban ng baha.haha.,kidding aside...Marami akong bagay na natutunan mula sa senaryong ito.Mga bagay na aking nakaliligtaan..

Sa buhay hindi lamang ang materyal na bagay ang mahalaga..Maaaring lamang ako sa kanya ng cellphone, longsleeves, at pamasahe kanina..pero siya? kasipagan, pagsusumikap at mababang kalooban ang pinakita niya.

Kung ako namumroblema sa pmasahe ko sa tuwng aalis ako ng bahay, siya nagtatrabaho sa kanyang murang edad para kumita ng karampot na pera para sa pagkain ng kanilang pamilya.

Kung ako may maraming damit sa cabinet, papalit palit at bumibili pa ng bago para maiba naman ang kasuotang ipapakita.. siya tinitiis ang lamig na dulot ng panahon makapagkalkal lang ng mga bote para sa ikabubuhay.

Kung ako ayaw na ayaw mabasa ang paa sa baha...siya walang reklamong binabagtas ang kahabaan ng bahang daan gamit ang bisikleta pra makabenta ng mga napulot at nakalkal na mga sako ng bote.

Eto ang baha sa labas ng bahay namin nung bumisita si Bagyong Falcon.


Partida pa....ilang taon lang ang batang ito..ako,bente uno na pero mas marunong siguro siya sakin pagdating sa hamon ng totoong buhay...nakukulong ako sa buhay sa bahay, sa simbahan, sa trabaho, sa kaibigan atbp..pero hindi dun sa buhay na katulad ng sa nararanasan niya...

Hindi naman pahuhuli ang mga batang tumulong sa kanya..Pinulot ang mga boteng nahulog, inalis ang pumasok na tubig at ibinalik sa sakong nasa bisikleta..Kahit hindi nila kilala ang batang magbobote,walang pagaalinlangan silang lumusong sa baha at tumulong.Ako?walang ginawa kundi manuod at ipanalangin lamang siya.

Sa totoong buhay,katulad din kaya ako ng mga batang ito?? Ang basag na boteng kanyang pinulot...hindi inalintana kung siya ay masugatan basta maiahon niya iyon sa baha upang hndi makasugat ng iba..


Higit na kahanga-hanga itong batang ito kesa sa karamihan na walang ginawa kundi ipangalandakan ang kanilang mga pangalan at magagandang ginawa..

Hayy,hindi kailangan maghanap sa malayo. Tumingin-tingin sa paligid, marami tayong nakakaligtaan na nangangailangan ng tulong..at minsan, hindi natin alam, ang mga taong hindi natin nakakasama sa 'simbahan' ang siya pang nagtuturo sa atin ng mhahalagang aral na hindi natin natututunan sa loob.


katulad na lang ng sa batang magbobote...



(copied sa note ko sa Fb)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento