‘I am of the opinion that the greatest danger facing the twentieth century to be:
Religion without the Holy Spirit;
Christianity without Christ;
Forgiveness without regeneration;
Morality without God and
Heaven without Hell.’
-General William Booth
founder of the Salvation Army
>>>Whoa! May nabasa lang akong back cover ng isang book na hindi ku na rin maalala ung title. An sabe,"in postmodernism, many people are looking and finding more on the truth of spirituality, but also many have lost in touch with the reality of Jesus." Aw.
Again, I was able to read on a christian group's page. I noticed that there are many posts regarding spirituality and religion. By the way, according to google, spirituality is defined as everything that deals with matters of our spirit (or our soul). It is different from religiosity, which when i searched means the state of being religious (devoutness to a belief). Why am I writing about this? hindi ku rin alam, siguro sa aking opinion, postmodern christians are too much caught up sa dalawang werds na ituu..ayun,
Actually, this thought started after reading all the threads being commented by so many christians- genuine or nominal. Ok sige, I have known of the issue of the same sex marriage, divorce, infant baptism, UMC vs PMI, and even senseless questions on the doctrines, etc. through reading. Marami din ang nagbabatuhan ng mga sari-sariling kuro-kuro, opinion, ideas and minsan nauuwi pa sa hindi magandang batuhan ng salita na nakakadulot ng lamat sa relasyon (kahit na ba sabihin nilang peace tau bro/sis sa thread).. ;) Minsan ginagamit pa natin ang salita ng Diyos para makapagparinig or makapagparamdam sa mga taong gusto nating makabasa nito. haay, was it the right thing to do? syempre, may depensa naman lagi sa mga tanong na katulad nito. hehe, apkors, magaling ang tao..
God's foolishness is wiser than man's wisdom. Yan pa rin ang conclusion sa lahat ng karunungan natin. Maaaring ung mga arguments naman natin ay wala naman talagang kabuluhan..??? or meron.. ayon sa pananaw natin bilang mga tao... Sabi sa Romans 12:2, “Magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagisip upang maunawaan niyo ang kalooban ng Diyos.” Hindi natin mababago ang ating mga mata. Kung ano ung nakikita natin, yun na yun! Pero sabi nga, Let God change the way we think! Kristyano po tayong matatawag pero kung hindi naman natin binabago ang ating pagtingin at pagkilos towards sa mga bagay na nasa paligid ayon sa will ng Lord, mas mabuti nang wala nang ylah a.k.a ''kristyano'.
Una, sana makita natin ang mga bagay in God's perspective not on our own. At kailangan un ng submission which requires humble heart. Meron pa ba tayo nun?? Syempre! Hindi ako nawawalan ng pagasa na magiging maganda lhat iin His time. Yun ang promise ng Lord e. :) Kababaang-loob. Hindi madali pero yun ang hinihingi satin ng Panginoon. Kung Siya na Diyos ay bumaba dito sa lupa dahil sa pagmamahal Niya sa'tin, gayundin ang dapat nating gawin since sinasabi ng ating mga bibig na 'mahal na mahal kita Panginoon' (with matching palakpak pa yan. hehe). Sabi nga ni Lola Soring, "If we will dwell and continue to talk and talk on the negatives, the enemy giggles and enjoys winning us. But if we praise God amidst all these, and share His Word instead for the encouragement of His people, the enemy loses and has no power over us." Why not?? Let us see the Light through the darkness!!! :)
Pangalawa, sana gawin natin ung mga bagay ayon sa kung ano ung gagawin ng Lord kung Siya ang nasa sitwasyon... (sa english, WWJD-What Would Jesus Do?) Siguro, kung nagfafacebook si Jesus ngayon, malamang hindi siya papatol sa mga posts na walang significance sa pagspread ng Word at love Niya para sa mga tao.. Imbes na magcomment sa mga komplikadong mga tanong about spirituality and religion or sumali sa mga conversations regarding kasiraan at iba pa, magpopost na lang Siya ng mga verses, devotionals, o mga statements na makakapagbigay inspirasyon sa mga pusong gusto nang sumuko, pagasa sa mga nawawalan nito, pagibig sa mga pinagkaitan, kalayaan at katotohanan para sa mga nakakulong at lugmok sa kasalanan.. Aba, again why not?? :) Ako kaya? Since Jesus might be doing such, then what should I do?
haay, simpleng mga laro ng isipan ku lang ito. Napakakomplikado na kasi ng mga bagay bagay sa paligid. And to tell you honestly, I like to complicate things. But when it comes to following God, simple lang. To know Christ and make Him known. Sabi nga, Jesus did not bring religion dito sa earth. Why do we have to argue on religion? hahaha.
Lumabas sa kung ano ang trend. Uso ngayon ang division. Families, Churches, Governments, etc... Wag tayo makiuso. Let's unite people. Let's unite people to God! :))
Patunayan natin sa Lord na kahit sa sarili lang natin, hindi magiging totoo ung prediction ni Mr. Booth sa taas... :) Wla kailanman, saanman, anuman, tayuman, superman, batman.. ahy, mali n pla. haha, ulet.. WALA tayong maipagmamalaki ever sa Panginoon. He is the only thing na maipagmamalaki natin sa buhay na to.
Why not? :)
Christ Above All!
Let's not forget.. GOD IS THE SOLUTION. Let God be. Why not?? :)
Jesus prayed for us.. Let's pray for one another. Let's pray for the people we do not know. His will be done here :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento