Lubos lang akong nagpapasalamat sa lahat.
Narealize ko to habang binabasa ko ang God wants you to know ko ngayong gabi :) ansabe...
On this day, God wants you to know...
... that when the night feels very long, remember that a new day is just around the bend.
With each new day we are given new hope, new possibilities, new opportunities. Each new day is a miracle.
Sa bawat gamit na nasira o nawala, may mga bagay ding papalit dito..
Sa bawat buhay na nagigipit, may mga taong handang tumulong lalo na sa mga nangangailangan nito..
Sa bawat panganib na dulot ng sitwasyon, may mga bayaning handang tanggapin ang hamong magalay ng buhay para masalba ang buhay ng iba..
Sa bawat sitwasyon maganda man o hindi masyado, mga aral na nakakapagpabago ang hatid sa atin nito..
Sa bawat pagaalala para sa mga mahal mo sa buhay, ang Panginoon ay isang prayer-away lang at siguradong tutugon, magtiwala ka lang..
Sa bawat disaster na dumadaan, makikita mong pagtapos ng ilang araw ay uulan ng tulong mula sa mga hindi mo nakikilalang tao pero taos pusong nagbabahagi ng blessings sa mga nawalan..
Sa bawat taong makakasalamuha mo, ngiti pa rin ang balik sayo sa kabila ng bahang tinatahak mo..
Sa bawat bagyo na sumasalanta sa bahay at buhay ng mga tao, may araw ding sisikat para sa lahatpagtapos nito..
Sa bawat pulis, army, politiko, raliyista, taong simbahan, tambay sa daan, kabataan, matanda at lahat ng nakipagbayanihan (nakauniporme man o sibilyan), isang pagpupugay sa mga buhay ninyo atpagpapalang mula sa Panginoon na nakakita ng inyong mga ginawa..
Sa bawat kalamidad, bagyo, pagsubok o anu pa man, alam kong ang bansang Pilipinas ay babangon at aahon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino..
At sa bawat kaibigang nanalangin kasama namin, isang lubos na pasasalamat, kahit hindi sapat, ang hatid ko..
Mabuhay kayo! :)
repleksyon mula sa heavy rain - Gener.
Pasasalamat sa Panginoon mula sa akin at aking pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento