gusto ko lang din ishare un naging message nung gabi ng Jan 4, 2012.
maggsimula tayo sa onting MATHEMATICS.. :))
kinalkula ko ang oras na nilalaan ng tao sa isang taon
Kategorya A.
solely para sa Lord (pagpunta sa simbahan at personal devotions)...
*regular church goer (Sundays only): 3 oras kada araw x 30 weeks = 90 oras per year
*sundays + 1 oras kada weekday (30min sa araw, 30min sa gabi): 90 oras + 335 oras = 425 oras kada taon
*aktibo 12 oras kada Linggo + 2 oras kada araw = 697 oras kada taon
Kategorya B.
More breakdown ng mga default na pinaglalaanan ng oras :)
*tulog (6 na oras/day) = 2,190 oras kada taon
--> e sa mga tumatambay pa na katulad ko, nkaka 10 hanggang 12 oras ang tulog ko kada araw.... :|
*trabaho/eskwela (8hours/day x 5days) = 1,920 hours/year
*masisipag na tao (OT o obertaym) 12hours x 5days = 2,880 hours/year
Kategorya C.
Missing Link o ang oras na hindi ku na alam kung para saan... :D
*Addition: Time sa Lord (active) - 697 oras kada taon
Tulog - + 2,190 oras
Trabaho/school (OT) - 2,880 oras
------------------
5,767 hours
1 taon = 365 araw = 8,760 oras = 525,600 minutos
*Minus: 8,760 hours - 5,767hours (seen above) = 2,993 oras kada taon --> d missing link.. saan ini-spend?
Text: Matthew 26:36-46
(paraphrased) v.40 Jesus: "Could you men not keep watch with me for one hour?"
ikwento ko na lang. ito ung panahon na kung saan malapit ng dakpin si Hesus at katulad ng lagi Niyang ginagawa, Siya'y nananalangin at nakikipagniig sa Ama. nung time na to, pumunta sila (kasama ang ilang disipolo) sa Gethsemane.. sinabihan Niyang manalangin with Him ang mga kasama Niya, ngunit 3 beses Niyang binalikan at nakitang natutulog ang mga ito... ayun, iwan muna natin to.
May text message nga dati ansabe:
Spell LOVE...
T - I - M - E
true? pag mahal mo daw ang isang tao, ang bagay na talagang magpapakita na mahal mo siya ay ang paglalaan mo ng oras sa kanya.. not true for some, but true to many..
4 POINTS:
-may hangover pa ko ng CI 2011 ng Northwest PAC UMYF. Desirous! yeah. eto ung tinatawag na unconditional love. sa aking pagmumuni-muni, inisip ko kung saan nilalaan ng Lord ung oras Niya.. I believe na ang TAO ang pinakapinaglalaanan Niya nito,kung hindi man lahat ng oras Niya,ayMOST..mga taong makukulit,isnab at busy.
2. Paano? Paano naman natin pinapakita ung desire natin sa Lord?
-sa pagattend ng Bible studies?midweek?sunday worship?pagmimisyon?etc..etc...?paano pag SOLO ka na?Yes,may count ung corporate pero mas mahalaga sa Lord pag nagiisa ka na...madalas akong sumasablay dito. simple, mas malaki ung oras na nauubos ko sa harap ng laptop na dati'y umaabot pa ku ng madaling araw kahit wala na ku ginagawa.
3. When was the last time you put everything away, as in away, and spend that holy hour with Him?
-un tipong,'teka muna..set aside ko muna lahat ng iniisip ko,trabaho,school,mga prayer concerns,church activities,missionary works,at iba pa.at itong oras na to ay sosolohin ko lang ang Lord at magpapasolo ko sa Lord.sasabihin ko lang kung gaano ko Siya kamahal at hihintayin ko ring sabihin Niyang mahal Niya rin ako.' Kung kanina lang,well and good.Kung matagal tagal na,siguro it's time to have time with Him.Gusto rin ng Lord paminsan minsan ang paglalambing mula sa atin hindi un puro hingi o hiling tayo para satin o sa ibang tao.Try mo :))
4. And lastly, bilang konklusyon at hamon sa lahat (maski sa akin).. Bukod sa mga bagay we do for Him, for His people, for the advancement of His Kingdom, LET US TRY TO SPEND MORE OF OUR TIME WITH HIM THIS YEAR. SOLOHIN NATIN SIYA! :D
-define kanina?!!Napakabilis ng oras... parang noon, sentimos lang ang softdrinks, ngayon pinakamura sa ang sakto limang piso. Pamasaheng wala pang piso, ngayon otso na ang minimum o pinakamababa na maya maya'y tataas na naman. Noon, panahon pa ni Marcos at ang martial law, nakalipas na ang Aquino, FVR, napatalsik si Erap at pumalit si Arroyo..ngayon moderno o mas batang Aquino na ang nasa puwesto. Parang kahapon Pasko lang, bukas makalawa, Pasko na naman...
Wag sana tayong abutan ng Lord na natutulog kahit ang utos Niya,"kahit isang oras lamang" samahan Siyang manalangin na para rin naman sa atin...3 beses pa ang pakaulit nito sa mga tagasunod Niya. Actuallyy, pakiusap na nga kung titignan..
simpleng pagbubulay-bulay...
Saan mo gugugulin ang iyong oras ngayong taong ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento