‘Miss, miss. Dito na kayo sa loob kumain.’ Paanyaya samin ni Nanay Tita at ng kanyang kabiyak sa kanilang magarang bahay. Matapos itong makita niya kami ni Donna na kumakain sa may trycicle na nakaparada sa harapan ng kanilang bahay.
Nahihiyang sumagot, ‘Hindi na po nay. Ok lang po kami dito. Maraming salamat na lang po.’
Sa totoong buhay ay gusto ko rin talagang pumasok at manghingi ng malamig na tubig para pawiin ang uhaw at init na nadama matapos ang pangatlong yugto ng pamimigay ng relief goods sa isang komunidad sa San Pedro, Laguna.
Buti na lang nagpumilit si Nanay Tita kaya nagpapilit na rin ako. hehe
Ang simpleng pagpapatuloy at pagpapainom ng malamig na tubig sa amin, kahit kami ay mga istranghero, ay nagpaisip sa akin na hindi talaga matawaran ang ugaling Pilipino- hospitality.
Pero there’s more to hospitality per se akong nakita dito.
Hindi man much, napakalaking impact nito sa akin. Ang malamang may mga ganito pa palang mga tao na nageexist sa Pilipinas ay sobrang wow! Parang nagtuturo ng lesson na ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipili. Ang pagse-serve sa tao ay kusang loob na binibigay, anumang oras o panahon, saan mang lugar at kung ano mang meron ka.
Same with the volunteers who chose to spend their holiday sa pagtulong sa relief operations na naganap kahapon. Sa pangunguna ng Bayan Muna Partylist, pakikipagugnayan sa National Council Churches of the Philippines, DAMBANA (Damayan Simbahan sa Panahon ng Disaster) at iba pa, naging posible ang pagtulong sa isang libong pamilya na nasalanta ng Habagat at hanggang nagyo'y hindi pa rin nakakarecover.
Kasama ng mga volunteers mula sa Small Hands, UMYF (United Methodist Youth Fellowship), Holy Spirit, seminarians, Bayan, at iba pa, nagpunta kami sa apat na barangay sa Laguna na sakop ng San Pedro at Binan.
1,000 supot ng goods at bigas ang naipamahagi sa ating mga kababayan. Mula sa NCCP ay pasa-pasa, tulong-tulong na ini-load ang mga ito sa dam trak. Umaga pa lang ay nakapagwork out na ang mga volunteers! At matapos marating ang mga lugar, unloading naman at tuloy na nga sa pamamahagi ang nangyari.
habang naglo-load sa dam trak
Pagasa. Yan ang simpleng mensaheng aming ipinararating sa mga pamilyang hanggang ngayon ay nasa evacuation center pa..
Isang buong araw na serbisyo para sa kapwa natin at isang pakikiisa sa kanilang dinanas. Nakakapagod! Pawis, init, araw, ulan, baha, gutom, uhaw… Ilan lamang yan sa mga naranasan--isang hindi matatawarang karanasan.
Katulad ni Nanay Tita, tila malamig na tubig din ang aming naging hatid sa mga taong kahit hindi namin kilala ay natulungan namin makatikim ng kaunting ginhawa. Ang malamig na tubig na ininom sa gitna ng init at ng pagod na katawan ay tila mga relief goods na natanggap ng mga kapatid natin na sa panahong ito ay nangangailangan pa rin ng tulong.
Sana marami pang tao ang makita ang buhay beyond sa buhay na meron tayo. Iisa at maikli lamang ang buhay, ibahagi natin ito sa iba. Sa uulitin!
Ended with a prayer of thanks. Praise God! :D
Tunay na kahanga-hanga! Isang pagpupugay kay Nanay Tita at sa mga volunteers! Pati sa mga naging daluyan ng biyaya na naging malamig na tubig para sa ating mga kapatid… Mabuhay po kayo! :)
Tayo kaya? Kelan tayo huling nagbahagi ng malamig na tubig sa ating kapwa?
A smile from the heart. First time makatanggap ng relief mula sa bahay na tinubuan na ng water lilies...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento