Martes, Pebrero 5, 2013

Chos!


Maaaring hindi pangseryoso ang pamagat ng aking maisusulat ngayon pero isang mensaheng medyo may kabuluhan ang maaaring maging dala nito..

Nagpunta kami sa isang lamay ng isang kilalang community organizer. Bago pa lang pumasok ay makikita mo na ang nakahilerang mga bulaklak na tila may contest ng pabonggahan, palakihan at pagandahan ng bulaklak na alay sa yumao. Bawat bulaklak ay mula rin sa iba’t ibang organisasiyon na maaaring kaniyang kinabilangan at nakasama habang siya’y nabubuhay…


Mula sa nakita, isang repleksiyon ang nabuo sa aking isipan… “Hindi naman siguro ganito karami at kabongga ang mga bulaklak ng pakikiramay sa lugar na ito kung wala siyang ‘makabuluhang kontribusiyon’ sa bayan at sa mga taong kaniyang nakasama habang siya’y nabubuhay..

Nang mas nakilala ko pa siya mula sa mga kwento ni Tita Rubilyn, ako’y mas napahanga. Katulad ko, siya’y isa ding nars! Noo’y meron daw pagkakataong lumabas ng bansa upang duo’y magtrabaho at kumita ng dolyares, pero piniling manatili sa sariling bayan, mabuhay ng simple at maglingkod sa mga mamamayan.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga nagawa, bagkus ay ibabahagi na lang ang litratong mula sa year book nung siya’y estudyante pa sa UP…

Amy de la Cuadra

known as the "late miss de la cuadra" by miss cruz...her driving motto: better late than never!... a decided procrastinator in academic matters (Ano?! Bukas na ang deadline? Mamayang gabi ko na gagawin!)... cool under fire, level-headed (except when she fell madlyinfatuated with one of Barry Manilow's creations)... matiyaga, masigasig, martyr... give na give basta extra-curricular...claims to be a nurse at heart (poor dearrie!)... basically shy, patient, generous and very much interested in people (any particular sex?)... more of a listener than a talker;  but when she talks, people listen (authority talaga!)... claims to be a child in many ways (look at her height!)... a typical scorpion - secretive, good organizer, dominant, energetic, strong willed, passionate (oh?)... loves the nation... tipong nahawang UP fever... "ang silbi ko ay para sa bayan"... Chos!

Chos!

Nakakatawang isipin na ang salitang “chos” pala ay panahon pa ng nineteen kopong–kopong!  Seryoso! Nasa hulihan talaga ng description ni Kapitana ang salitang “chos!” (ngayon, naintindihan niyo na kung bakit un ung title ng note na ito?! Chos!)

Binalikan ko ang aking sarili, at pinagbulay-bulayan ang ilang mga katanungan sa buhay….
Gaano kaya kagaganda ang mga bulaklak na ipapadala sa aking lamay o di kaya'y gaano karami ang taong makakaalala at makikiramay sa aking pamilya pag ako’y namatay? (ngayon, nakita ko, na ang mga bulaklak ay hindi lang pangdisplay tuwing patay, kundi nagpapahayag ito kung gaano kahalagang tao ung yumao sa pamamagitan ng unspoken message na dala nito – ang effort ng pagpapagawa pati na ang gastos ng mahigit sa isang libo para sa yumao ay hindi isang biro ha)

Ano na nga ba ang nai-contribute natin sa bayan o sa komunidad na kinabibilangan natin?Paliitin natin, anu-ano na ang nai-contribute o naiambag natin sa buhay ng mga nasa paligid natin (mapakaibigan, kapamilya, kaklase, katrabaho, kasimbahan, kapatiran, kakilala, kabungguan, kabagang, etc..)? Meron nga ba??

And lastly, alam ba natin ang ‘bakit’ ng buhay natin? Kung hindi pa, I encourage you to know YOUR WHY. Maaaring iba-iba tayo ng drive sa buhay, ngunit katulad ng kay tita Amy, mahirap man e masarap mabuhay ng alam ang dahilan kung bakit siya nananatiling buhay, at para sa kanya, ito ay ang mabuhay ng buhay na nagbibigay buhay rin sa iba. Ikaw, ano ang ‘BAKIT’ mo??

Salamat kay Kapitana Amy De la Cuadra!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento