We can thank God for the gift of memory…
that we can move on with the pain of permanent separation… -Padi Rex
Una sa lahat, nakikiramay po ako sa buong pamilya. Hayaan niyo pong magsulat ako ng isang kwento…
Si Kuya Lito, ang Drayber ng Lahat.
Base sa mga kwento ng mga taong nagpatotoo, masasabi ko na ang buhay ni Tito Lito dito sa earth ay naging makulay, makabuluhan at nagbibigay buhay para sa iba. Simulan natin sa memories…
Noong siyay’s bata pa ay naging sakristan, kasama ng mga pari, umaakyat sa altar at nagaassist sa bawat gawain. Nang maikwento niya ito kay Tita Emma (ang kanyang kabiyak), ang nasabi lang niya ay ‘NAENJOY KO ANG PAGIGING SAKRISTAN.’ (assumed words)
Bilang ama at asawa naman, all around daw siya sa bahay. Maalaga, understanding at mapagmahal. Nakwento rin nga ni Ate Cheekai (daughter) sakin nun, pag umaga daw, gusto ni Tito na sabay-sabay silang kumain kaya kahit antok pa ay gigising at gigisingin siya nito. Yan ang #1 rule sa bahay.
Sa bahay, kadalasa’y nasa duyan pag hapon o kaya naman ay sa bakuran at nagtatanim ng kung anik anik… Kaya nga raw maraming kalamansi sa kanila. Dagdag: minsan ay nauuna pa sa showbiz balita! :)
FAST FORWARD>> Siya’y napunta sa National Council of Churches in the Philippines, kung hindi ako nagkakamali sa pagalala ay as early as 1980’s. Doon ay nagsilbi siya bilang isang driver at nagpatuloy ng serbisyo upto the present time basta siya’y available. On call kumbaga.
Sa pagiging simpleng driver niya ay marami siyang naiwan, hindi naiwang pasahero o bagahe, kundi mga di makakalimutang mga aral ng buhay.
Pag nagdadrive daw si Kuya Lito (tawag sa kanya ng mga tagaNCCP, na maski si Dok ay nakiKuya na rin), never silang nakaalala ng pagkakataong nadelay sila dahil sa paghihintay sa sasakyan… 1 hour ahead sa oras na pinagusapan kung dumating, sabay pa ng pagsalubong sayo with a smile.
Regular price or discounted NCCP price? Laging napupunta sa discounted pero hindi nadidiscount o nababawasan ang serbisyong ibinibigay. When he drives, he drives with all of him. He makes sure na naibibigay niya ang best niya when he holds the steering wheel and step on to go.
At hindi maikakaila ang pagiging gentle sa lahat ng bagay kahit na ang lahat ng tao sa paigid ay aligaga na. Yan si Kuya Lito!
Personally,isa lang ang encounter ko kay Tito Lito. Yun ay nung sinundo niya kami sa Tagaytay during the Bible-in-context seminar. Yun nga lang, hindi ko masyadong matandaan ang mukha niya dahil puro likod ng ulo ang nakikita ko from the middle chair where I was seated. At nung nakita ko ang pictures ni Tito kanina, etoo lang ang nasabi k okay Tita Emma: “Ang gwapo pala ni Tito Tita!” :)
---
Opinion: Minsan minamaliit ng tao ang mga drivers. But when we come to think of it, they play a big role! They serve as transporters enabling us to reach our destinations safe and warm. Pag tulog tayo sa biyahe, they are the ones na nananatiling gising at alert para maihatid tayo ng buo. Sila ang katuwang ng sasakyan sa pagbiyahe, maikli o mahaba, samantalang nakaupo at nakarelax ang mga pasahero. Higit sa lahat, sa kanila nakasalalay ang buhay ng mga pasaherong sakay nila. I conclude, hindi madaling maging isang drayber!
Fact: At mula sa mga patotoo, masasabi ko na bukod sa hirap ng trabahong ginagawa ni Kuya Lito ayINANGAT NIYA ANG STANDARDS NG ISANG PAGIGING DRIVER. Mula sa pagiging sakristan hanggang sa pagiging family man at sa huli’y driver ng van… Maliliit na bagay na ginawa nang may malaking puso, kaya nagiwan ng marka. Isang tunay na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Some people drive you mad, Kuya Lito is not one of them. Some people drive you nuts, Kuya Lito is not one of them. Some people drive you crazy, Kuya Lito is not one of them. -Levi Bautista
Indeed, Kuya or Tito Lito is a ‘sulit at higit pa’ kind of a driver. Si Kuya Lito ang Drayber ng Lahat!
He drank the cup of his life and now it was full. It’s time to be back with his Creator. Let us always remember that in death we are renewed, in death we are born again. So long Tito Lito!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento