Martes, Pebrero 5, 2013

paalam.


alas tres ng hapon ng matanggap namin ang balita...

patay na si tito nol!

nagulat ako kahit hindi na kagulat-gulat. pano.. hinihintay pa namin siyang ilipat sa bahay ngayong gabi sana para duon naman namin siya maalagaan...

kagabi nga e may mga litratong pinakita si mama sa amin. baby pictures niya na balak pa sana naming ipakita pag uwi niya duon sa bahay namin. para man lang mapangiti siya at mapagaan ang loob na pinanghihinaan...

Hiram ng gitara at magJamming with papa ting pa ang naisip ng aking kapatid pagdating ni tito sa bahay.. pero wala na, plano na lang pala lahat ng iyon.

habang sinusulat eto ay hindi ko mapiggilang malungkot, maluha, maiyak at magreminisce ng mga panahong siya'y may hininga pa...

akala ko hindi ako gaanong malulungkot, hindi naman kasi kami masyadong close. hindi rin ganun kaganda ung mga natatandaan kong nakaraan kasama siya, at alam naman naming isang araw ay hahantong na nga sa ganito ang buhay niya dahil sa cancer.

pero, hindi pala. hindi ko mapigilang malungkot sa pagkakataong naging abala ako at hindi ko na siya nabisita. ako kasi ang isa sa mga nagaalaga sa kanya dati. naglilinis at nagtatapal ng kanyang sugat, naghihilot ng kamay, tumutugon sa bawat pagsitsit niya..

ang huli naming pagkikita ay nung huling linggo kung saan ay medyo nagkaroon ng mas mahabang panahon para pakinggan ko ang mga sinasabi niya. may narinig siya sa radyo ang pangala'y serpentina at healing churba na pamahid daw. isang pagasa mula sa kanyang mga mata ang aking nakita kaya naman ang nasabi ko lang ay, 'sige tito. hahanapin ko sa internet susubukan nating bilhin.'

ngunit isang linggo ang lumipas nang hindi na ako nakabalik at naghintay na nga lang sa muli naming pagkikita. nagkita nga kami, pero wala na...


hayy,

kung magPOST kaya ako sa FB ng nalulungkot ako. o God give us strength. o kaya'y tito nol, rest in peace, we will miss you, atbp... ano kaya ang makukuha ko?

condolences?pakikiramay na walang hanggan. pagpapalubag ng loob?wala namang masama....

pero naisip ko lang, wala na akong magagawa sa nakaraan. saan pupunta ang lahat ng mga salitang matatanggap ko??? wala.....

kaya naman naisip kong ibahagi ang kwentong ito upang ipaalala sa lahat ng makakabasa nito na "habang may buhay ang ating mga mahal sa buhay, ipadama na natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal". Wala nang mamaya mamaya pa, o bukas na lang. hangga't may pagkakataon, ipadama natin o sabihin natin sa kanila na mahal natin sila.. wag nating antayin na kung kelan patay na ang kabayo, tsaka pa natin maiisip na magbunot ng damo para dito.

sa ngayon, matutupad nga ang pagbabalik ni tito nol sa aming bahay... katulad ng nasa plano, pero isa nang katawang walang buhay na nakasilid sa kanyang kabaong.


nakakalungkot, nakakaiyak, nakakapanghina.
pero ang buhay ay nagpapatuloy. kaya naman, magmahal lang tayo ng magmahal habang may oras pa..

mamimiss ka namin tito nol. pahinga ka na...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento