Martes, Pebrero 5, 2013

No wonder...


'When heroes fall from the sky, many more will learn to fly. Let's not ask why bad things happen to good people - just be inspired by them to do good to others so their life will not be in vain. Do not grieve for great man - they live forever. Grieve for those who live for self - they are soon forgotten' -Tony Meloto 
Ingat ka Secretary/Mayor Jesse Robredo sa langit! Salamat sa buhay mo!


Ito ang maikling statement na nakita ko mula sa post ng aking kaibigan, Jhayr Canda.

Naalala ko tuloy ang pagsilid ng luha sa aking mga mata nung oras na napanood ko sa balita ang pagkatagpo sa katawan ni DILG Secretary Jesse Robredo, nung isang gabi. Nuon nga wala akong pakialam sa balita, pero nagbago ang lahat.


Hindi ko man siya kilala, actually kakakilala ko lang sa kaniya nung gabing iyon, ay nakita ko ang simpleng buhay niya bilang lider, ama, kaibigan at mamamayang Pilipino. Ako'y may panghihinayang ngunit mas higit ang paghanga...

'Walang maliit o malaki sa pagtulong na mas mapabuti ang buhay ng iyong kapwa.' Isa ito sa mga katagang sinambit ng isang kaibigan na siyang tumatak sa pagaalaala niya sa secretary. Kaya naman ayon sa mga patotoo ng iba pang ininterview, walang pinipili ang secretary pagdating sa paglilingkod.

Pinatunayan ito ng isa pang statement ng isang Urban Poor group leader  nang sinabi niyang, 'Kahit na mahirap kami o gula-gulanit pa ang hitsura namin pagdating sa meeting, ayos lang. Pag nagtext ka sa kanya, rereplyn ka niya kahit madaling araw na. Mararamdaman mo talagang mahalaga ka para sa kanya.'

Grabe ang patotoong ito! Hindi lamang narinig kundi naramdaman. Ibig sabihin, ang kaniyangpagpapahalaga sa kanyang kapwa, mapaangat man sa buhay o simpleng maralita, ay hindi lang sa salita kundi sa gawa.

'Walang ego. Napakababa na parang isang ordiaryong mamamayan lang na nagmamahal sa kaniyang bayan at kapwa.' Yan naman ay galing sa deputy secretary ng presidente (hindi ako sure, bsta un laging nagsasalitang babae in behalf of Pres. Noynoy). Kahit isa na siyang national leader, hindi nagbago ang kaniyang pagiging mababa. Mula sa pagiging mayor, hanggang sa unti-unting pagakyat sa national, hindi tumaas ang kaniyang ere bagkus lalo pa siyang naglingkod sa mga mabababa. Katunayan, makikita ito sa simpleng pananamit niya kahit lumalabas na siya sa TV, kaya hindi mapigilan ng isang acting nanay ang pagsita sa kanyang kasimplehan.

Good governance. Ito daw ang pinakaadvocacy niya sa kanyang pamumuno. Kaya naman looking forward ako ngayon lalo na't nalaman ko na merong mga taong katulad ni Secretary Jesse sa ating gobyerno. Hoping na matuto ang ating mga leaders, maski tayo, sa iniwan niyang halimbawa sa pamumuno.

Isa siyang action man! Nalaman kong ang Kaya Natin Movement, which is isa siya sa mga co-founder, ay dating Bahala Na Movement. Siguro, hindi niya nakitang may mangyayari kung iaasa na lang natin ang mga bagay sa bahala. Ang pagkamit sa isang bagay na gustong mangyari ay makakamit sa sama-samang paggawa at sa pagasang kaya natin to!

Bilang panghuli, isa sa mga nagsalita pa ay isang empleyado sa building na pinagtatrabahuhan ni secretary... Ang sabi niya, 'Sa elevator, kahit paunahin siya ng mga tao, tumatanggi siya at pumipila para sumakay. Kahit pa siya'y nagmamadali.' Kumbaga, walang special treatment. Kung tutuusin, may K naman siyang mauna dahil siya ay nasa mataas na posisyon duon pero pinipili niyang maging kapantay ng iba pang empleyado para ipakita na hindi siya iba sa kanila. Ang galing!


No wonder na siya ang una at katangi-tanging Ramon Magsaysay Awardee sa buong Asia (hindi ko sure kung tama ung award na sinabi ko).
No wonder na siya ang natalang pinakabatang mayor sa Pilipinas sa edad na 29.
No wonder na umangat ang Naga city nang siya ang namumuno dito. 
No wonder na nagdadalamhati ang buong bansa, lalo na ang mga taong nakasalamuha niya, sa kaniyang biglaang pagkawala.
No wonder na pati ako, bilang isang manonood lang sa TV, ay natouch ng kaniyang buhay at naudyok pa na magsulat tungkol sa isang natatangi, huwaran at di pangkaraniwang buhay -- ang buhay ni DILG Secretary Jesse Robredo.

taken from Yahoo images. Isang masayang litrato ng isang huwaran.

Hindi mababalewala ang iyong buhay. Nagiwan ka ng magandang marka na pwede naming sundan bilang isang lider, magulang, kaibigan at mamamayang Pilipino. Salamat Secretary!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento